Sa piling ng mga ulap na tila dagat At talahib na tila batang makulit Ika'y napatanong sa sarili Hinahabol mo ba ang umaga? O ang umaga'ng humahabol sayo? Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Sa ilalim ng karagatang ulap May ilog na tahimik na dumadaloy Nasubukan niya na bang magtanong? May patutunguhan ba tayo? Pwede bang itigil na muna ang pag-alon Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Ang daloy ng panahon Ang daloy ng panahon Ang ikot ng mundo Ang ikot ng mundo Wala sa iyong kamay Ang klima ng buhay Akyat-baba ng alon Sa pagdaloy ng panahon Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Oras, oras Patuloy lang Patuloy lang ang lahat Ang daloy ng panahon Ang daloy ng panahon Ang ikot ng mundo Ang ikot ng mundo