Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Madaming ulit kang madadapa Bumangon ka agad Mga mata mo na luhang-luha Sa lungkot ay nasagad Ilang beses man na mawala Huwag kang mapagod maghanap Walang tigil kang tumataya Baka sakaling maganap Ang iyong pinakahihintay Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw At ang tanging alam mo lamang ay Walang pipigil sayong lakad at galaw Basta't Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Hindi nila kailan man mararamdaman Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan Hindi sila kailan man mahahapdian Bawat hiwa sa paa Tibo na tinungtungan Dahil ang katunggali mo lang sa laban Ay walang iba kundi ikaw At ang pwede mong maging kasalanan Ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo Naaalala ko pa dati kulang ang pamasahe Wala ka pang hapunan busog lang sa diskarte Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase Kahit 'di nananalo 'di ko batid na talo Inipon ang lahat ng binigay saking balato Kung saan-saan dumapo buti na lang gala 'to Wala ka daw mararating pag 'di mo tsinaga 'to Kay daling sabihin hindi madaling gawin Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin Kilalanin ang sarili mo kahit na sa dilim Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin Itutulak ka nila madalas pababa Papahiran ng lahat ng pwedeng dungis sa mukha Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura Pag kumita ka sila pa ang unang naka kura Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho Huwag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso Uso daw kasi kaya di ka napili Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi Pag 'di mo nagawa iwanan mo ang manisi Ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi Dahil ang katunggali mo lang sa laban Ay walang iba kundi ikaw At ang pwede mong maging kasalanan Ay ang bumitaw at umayaw Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw Alang-alang sa pangarap mo Basta't Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak Awit ka nang awit Awit ka nang awit Kahit walang pumapalakpak