Oh sinta, ang 'yong mukha
Ang bungad sa aking umaga
Sa pagdaan mo sa aking harap ay nanghina
Anong salamangkang meron ka't 'di ko mapigil
Ang damdamin na mahulog nang kusa sa 'yo
Wala man akong magarang sasakyan, 'wag mag-alala
Dahil meron naman akong kabayo

Haharanahin ka't araw-araw kang susulatan
Ipagpapaalam ka't dadalhin kita sa sayawan
'Wag kang mag-alala
Ihahatid ka bago mag-alas otso y medya
Gusto kita, tanggapin mo
Ang pagmamahal kong makaluma

Oh tita, ang 'yong dalaga'y pwede ko bang ligawan
May dalang bulaklak at tsokolate galing bayan
Handa ring magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig
Sa pag-ibig na gusto kong makuha sa 'yo
Wala man akong mamahaling kasuotan, 'wag mag-alala
Dahil meron naman akong gawa ng lola ko

Haharanahin ka't araw-araw kang susulatan
Ipagpapaalam ka't dadalhin kita sa sayawan
'Wag kang mag-alala
Ihahatid ka bago mag-alas otso y medya
Gusto kita, tanggapin mo
Ang pagmamahal kong makaluma

Haharanahin ka
Haharanahin ka
Haharanahin ka
Haharanahin ka

Paminawa akong kanta para ni sa imuha
Ikaw ra way lain pa ang akong gihigugma
Ayaw lang og kabalaka ihatod tika bago mag-alas otso y medya
Gusto tika, dawata ni akong kinaraan na paghigugma