Mga gabing malalim pa ang aking damdamin Kesa langit na kay dilim Ayoko nang naisin na may makapansin Bigat na sa 'kin lang, ngiting mapanlinlang Lumayo ka na ayaw lang na madamay pa Kaya kong mag-isa Handa Handa ka bang ibigin pa Ako ngayong walang saya Ngayong nakita mong sira Handa ka bang ibigin pa Tawagin ang pangalan ko mahal Kung pagtibok ng puso ay nagbabagal 'Wag mag-alinlangang lumapit, sumandal Kailangan lang ng yakap na kayang magtagal Handa Handa akong ibigin ka 'Di lang tuwing mayro'ng saya Maging sa 'yong pag-iisa Handa akong ibigin ka Sana'y 'wag mapagod Sa isip kong nalulunod Magpahinga sa 'kin, sinta Handa Handa akong ibigin ka 'Di lang tuwing mayro'ng saya Maging sa 'yong pag-iisa Handa akong ibigin ka