Kung ako ay iyong iwan
Sana'y hindi manghinayang dahil
Dulot ko ay kalungkutan
Darami lang ang 'yong iisipin
Kung ikaw ay may kailangan
Sana'y 'wag na 'kong lapitan dahil
Ayaw ko lang na hayaang
Mailagay ka sa alanganin

'Wag nang magpapagambala
Sa mga nabuong kabanata
Namnamin mo ang paglaya
Tanggalin ang 'yong pagkabahala

Kahit na ang kahinaan
Ay ang 'yong labing nakakagigil
Dapat ko lang na iwasan
Sisimulang 'di magpaalipin
Kahit ipinaglalaban
Mo ang pag-ibig na 'di matigil
Pilit kong tatalikuran
Ang libu-libong pangako natin

'Wag nang magpapagambala
Sa mga nabuong kabanata
Namnamin mo ang paglaya
Tanggalin ang 'yong pagkabahala

'Wag nang magpapagambala
Sa mga nabuong kabanata
Namnamin mo ang paglaya
Tanggalin ang 'yong pagkabahala