Sa iyong pagbati
Boses mo'y muling napakinggan
Gusto ko sanang umawit
Langit ay muling naramdaman

Ngunit 'di na tayo ganyan
Naayos man ang gulo
Marami na sa 'ting dal'wa ang nagbago

'Di ka na ikaw
'Di na rin ako, ako

Lilipas din ang sakit
Tatamis din ang pait
Sana'y maintindihan
'Di ko pa kayang tayo'y maging magkaibigan

Nagbago na ang hangin
Puso mo ngayon ay mas magaan
Mga ngiti sa labi
Kwentuhan na walang patutunguhan

Iwasan ang nakaraan
Naayos man ang gulo
Marami na sa 'ting dal'wa ang nagbago

'Di ka na ikaw
'Di na rin ako, ako

Lilipas din ang sakit
Tatamis din ang pait
Sana'y maintindihan
'Di ko pa kayang tayo'y maging magkaibigan

Naayos man ang gulo
Marami na sa 'ting dal'wa ang nagbago

'Di ka na ikaw
'Di na rin ako, ako

Lilipas din ang sakit
Tatamis din ang pait
Sana'y maintindihan
'Di ko pa kayang tayo'y
'Di ko pa kayang tayo'y
'Di ko pa kayang tayo'y
'Di ko pa kayang tayo'y maging magkaibigan