Lapit kaibigan, tulungan mo ako
Sa landas na tinatahak ko
Simoy ng hangin, lumalayo-layo
Kinabukasan ko'y baka maglaho

O, kalinga
O, kalinga

Ituro mo ang tamang paraan
'Di ko malaman ang patutunguhan
Nalulong na ako sa kasamaan
Bukas, makalawa'y walang daraanan

O, kalinga
O, kalinga
O, kalinga
O, kalinga

Sa'n ang 'yong pangakong kalinga?

O, kalinga
O, kalinga

Kung ako'y hihiling ng kapatawaran
Ako ba'y iyong pagbibigyan? (Ay iyong pagbigyan)

O, kalinga
O, kalinga
O, kalinga
O, kalinga