Sa walong bilyong nakasilong
Ikaw ang aking nakasalubong
Ating awit ay iginuhit ng langit

At araw araw napapatanong
Paanong natupad aking bulong
Kung bakit sa tulad ko'y napalapit

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita

Kung kalawakan man ang pagitan
Tadhana lamang ay ating sundan
Dahan dahan
Sa dulo'y ating tagpuan

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita

'Di inakalang darating
'Di ka na kunwa-kunwaring akin

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita

Dalangin kita
Dalangin kita