Tahan na, mahal Ibulong mo lang sa hangin Sandal ka lang sa akin Kung nasasakal Sa hagupit ng mga bakit At mundong mong mapanakit Tahan na, tahan na Tahanan mo ang yakap ko Tahan na, tahan na Punasan na ang mga luha Tandaan, mahal Na sa bawat panalangin May sagot na para satin Ang maykapal Kaya't wag nang mabahala Sa bukas magtiwala Nandito lang ako Tahan na, tahan na Tahanan mo ang yakap ko Tahan na, tahan na Punasan na ang mga luha Kasabay sa hirap at tagumpay Handa akong maghintay Wag ka lang malungkot Dumilim man ang mga bituin Magbago man ang ikot ng mundo Tahan na, tahan na mahal Tahanan mo ang yakap ko Mmm ohh, mmm ohh Kaya natin 'to mahal pangako