Lagi nalang ganito Isipan ay gulong gulo Lagi nalang nabibigo Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso Ilang liham na ang sinulat sayo Ilang luha na rin ang natuyo Kailan kaya muling makakatawang Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip? Kailan kaya muling makakamit Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip? Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan ang dating tayo? Kung ano man ang totoo Isip man ay litong lito Handang handa akong sumalo Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso Ilang awit na ang inalay sayo Ilang luha na rin ang natuyo Kailan kaya muling makakatawang Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip Kailan kaya muling makakamit Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip? Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan? (kailan) kailan Kailaaan ang dating... Kailan kaya muling matatamasang? Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta Kailan kaya muling mararanasan? Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala