Sino ba ang nagsabi
Kung sino ka dapat maging?
Sa lakbay mo
Ikaw lang naman masusunod

Sa puso mo ang kasagutan
Sa puso mo ang daan
Malilito kung titingin mula sa mata nila

Kunin mo ang pinapangarap
Mga tala'y abutin
Sabihin ang gustong sabihin
Maging sinong gustong maging...

Pakawalan at palayain

Kakaiba ang kislap
Ng mga matang walang kinikimkim
Iyo ang mundo
'Di masamang maging totoo

Kunin mo ang pinapangarap
Mga tala'y abutin
Sabihin ang gustong sabihin
Maging sinong gustong maging

Ooooh, lipad, lipad, lipad, lipad, lipad
Ah oooh, lipad, lipad, lipad, lipad, lipad
Ah oooh, lipad, lipad, lipad, lipad, lipad