'Di naman ako perpekto
Tao lang na may patlang
At magkakatulad lang tayo
Nadarapa rin lang

'Di rin minsan matalino't
Marami pang hindi alam
Madilim ang daan
Nangangapa rin lang

Kaya naman napupunta kung sa'n saan
'Di dapat ako nandito pero sige lang
Kapayapaan man ang abot o pahamak lang
Marami lang talaga 'kong gustong malaman

'Di ko agad-agad naunawaan...

Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila

Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay

Kailangan ko bang sumabay?
Pwede bang magsarili?
Kinailangang marinig
Kaya 'di nabingi sa ingay

Lahat may mensahe na pinaparating
Sa 'yo depende kung sa'n mo nais tumingin
Sa'n kanakatingin? Sa'n ka nakatingin?
Sa'n ka nakatingin? Sa'n ka nakatingin?

Ngayon naman, ako'y magmamasid sa daan
Dahan dahan o agad agad, ako'y hahakbang
May nadarama? Dapat maramdaman!
Binubuo ba ang sarili para lang takbuhan?

'Di ko agad-agad naunawaan...

Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila

Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay

Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila

Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila...