Kay gandang tanawin, ang sarap pagmasdan
'Di madaling maakit, sadyang gan'to sayo lang

'Di ko man alam kung sa'n pa tayo dadalhin
Kung 'di man mapapa-sa akin habangbuhay
Ay mapalad pa rin

Hayaan mo 'ko
Hayaan mo 'kong damdamin
Gusto kong sulitin habang kayang abutin
Baka wala na 'to bukas

Teka, sandali, 'di ba 'to panaginip?
'Di mapakali, ngayon nalang muli
Nabusog nang gan'to ang damdamin

'Di ko malalaman kung sa'n pa tayo dadalhin
Kung 'di man mapapa-sa akin habangbuhay
Ay mapalad pa rin

Hayaan mo 'ko
Hayaan mo 'kong damdamin
Gusto kong sulitin habang kayang abutin
Baka wala na 'to bukas

Sino ba naman ako para makamit lahat ng 'to?
Siguro nga, baka tama nga sila
Darating ang para sayo sa tamang panahon
At pag dumating sayo'y para talaga sayo

Darating ang para sayo sa tamang panahon
At pag dumating sayo'y para talaga sayo

Hayaan mo 'ko
Hayaan mo 'kong damdamin
Gusto kong sulitin habang kayang abutin
Baka wala na 'to bukas