Nene
Bat 'di mo subukang lumipad
'Di man sang ayon ang lahat

Kahit ilang beses mang
Maikumpara kay toto

Nene
Kung sa'n ka man mapadpad
Patuloy sa paglalakad

Maniwala sa 'yong sarili
Lahat magagawa mo

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Nene
'Di sukatan ang balat
Buhok may kulot o unat

Wag padala sa husga
Isulat mo ang 'yong kwento

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Nene
'Di man kilala o sikat
Mga pakpak ilantad

Ipahayag sa mundo
Kakayahang taglay mo

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Babae ka
Sisidlan ng usbong
Malaya kang
Baguhin ang mundo

Sientete orgulloso de ser mujer
Pa ra ra ra ra pa ra pa

Nene
Humayo ka at lumipad