Sana bumalik ka rin sa akin Sana di mawala ang 'yong puso At kung sakali man ikaw ay dumating Ako'y nandito lang, naghihintay sa'yo Sana di mawala ang 'yong ligaya Sana masaya ka ngayon At di ko man masabi kung san tutungo Ako'y nandito lang, naghihintay sa'yo Dahil di ko alam kung pano na Kapag wala na ang lahat Kapag hindi ka na makikitang muli Ako'y mawawala, sa dilim Kung di ka na magiging akin Sana bumalik Lahat ng ating yakap Di sapat ang unan ko ngayon Pati amoy ng 'yong buhok Ay narito pa'rin Mapalad s'ya na hahalik sa'yong ulo Sana di ko na maalala Lahat ng tawa mo't halik Sana dumating ang araw Na di na ikaw Pero ikaw pa'rin Dahil di ko alam kung pano na Kapag wala na ang lahat Kapag hindi ka na makikitang muli Ako'y mawawala, sa dilim Kung di ka na magiging akin Sana bumalik Di ko alam kung pano na Kapag wala na ang lahat Kapag hindi ka na makikitang muli Ako'y mawawala, sa dilim Kung di ka na magiging akin Sana bumalik Di ko alam kung pano na Kapag wala na ang lahat (Sana bumalik) Kapag hindi ka na makikitang muli (Sana bumalik) Ako'y mawawala, sa dilim Kung di ka na magiging akin Sana bumalik