Mula noong namulat ang mata Daglian kong nalaman na ikaw pala Ang hinahanap kong tahimik Bawat pag-hinga'y isang tula't usapang malalim Kahit pa walang magsalita Nakapikit habang hawak ang 'yong kamay Rinig bawat pintig nati'y magkasabay Marahan at tahimik ang habambuhay Ngayon sa 'yo'y mahirap ng mawalay Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na Sa payapa Mula nung araw na nasilayan ka Hindi na rin nagbago ang tingin Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin Nais ko lang magpaka-lunod sa 'yong mga mata Sambahin ka habambuhay hanggang ako ay mawala At pipikit habang salabay ko lahat ng iyong bigat Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat Mabigat man ang pasakit May habambuhay pa tayo para di mag-hiwalay Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na Sa payapa Mula nung araw na nasilayan ka