Hinanap ka Walang patid Tinanong ko na silang lahat Wala pa 'rin Napagod lang Sa pag-lihis Paikot-ikot lang naman Baligtarin man ang damit Ngunit dumating ang araw Na ikaw ay napansin Ako ay naliligaw Yun pala ay ikaw rin At sa tagal ng panahon Na naligaw, o kay bilis ng buhay Buti at nahanap ka ng pagkakataon Na makilala ang pag-ibig mo Handa na 'ko na maligaw sa 'yo O kay ganda ng 'yong ngiti Sa tuwing kamay mo'y nasa 'kin Wala tayong pupuntahan Kahit saan pa 'yan Basta andyan ka lang Ngunit dumating ang araw Na ikaw ay napansin Ikaw ay naliligaw Yun pala ay ako rin At sa tagal ng panahon Na naligaw, o kay bilis ng buhay Buti at nahanap ka ng pagkakataon Na makilala ang pag-ibig mo Handa na 'ko na maligaw sa 'yo