Heto na naman ang pusong gising na gising Sabik sa mga yakap mong ka'y lambing Umaga na pala pero walang pakialam Kausap ka, penge pa ng sandali Minsan lang ako magkaganito Puso kong umidlip, ginising mo Ang panalangin ko Ako sanang naiisip mo Bago pumikit ang 'yong mata Ayokong managinip ng mag-isa Heto na naman lumusong ang pusong sabik Di na mahintay masilayan ang iyong labi Gabi na pero iniisip ko pa rin Buong araw mo sa aking piling Minsan lang ako hindi malito Puso kong naligaw, ay nahanap mo Ang panalangin ko Ako sanang naiisip mo Bago pumikit ang iyong mata Ayokong managinip ng mag-isa Ang panalangin ko Ako sanang naiisip mo Bago pumikit ang 'yong mata Ayaw na managinip ng mag-isa 'Di makatulog, 'di makatulog 'Di makatulog, 'di makatulog 'Di makatulog, 'di makatulog 'Di makatulog, 'di makatulog