Isang araw ika'y aking nakilala Mapaglaro nga ang mundo Parang Eba at Adan sa mansanasan Ang kaibahan ay sa'yo ako natukso Natutunan ang ibigin ka sa ayaw mo man o sa gusto Di man pansinin, tumatagos lang ang tingin Sa mga paramdam ko na parang multo Araw-araw na nga kong dumadalaw Daig pa kaluluwa na walang hustisya Kasi patay na patay pa din ako sa iyo Kahit di mo napupuna Di ko man ka-tipo ang lalake mong dasal May itsura't katawan o pitaka'y makapal O kahit na mukha akong skwater, holdaper na rapper Mayaman naman sa pagmamahal Sabi mo man ay di tayo nababagay Langit lupa kahit na pagkaila man Di mo kailangan ng tulad kong pag nakikita'y Parang tinatawag ka ng kalikasan Tinatawanan lang ng pamilya't kaibigan Panay kapintasan Baka nalipasan lamang daw ng gutom Kaya't ang pag-iilusyon ay hindi ko maiwasan Sabi ko na lang magmula ngayon Saksi mga makinang ng bituin Pangako na sa langit pag kayo ay tumingin Ngalan at mukha ko ay makikita nyo rin Balang-araw makikita nila Ang lahat sa akin ay magiiba na Kapag natupad ang aking panaginip Na ako'y yumaman, sumikat, at maging kilala... tandaan mo 'yan! Naaalala mo ba yung dating nilait-lait mo Pagitan natin ay langit at lupa at ang panget-panget ko Pero ngayon diba? Naghahabol ka na... kay bilis ngang magbago ng panahon Kasi ngayon diba? Aydul-aydul mo na... Pero sorry na lang "Who You ?" ka sakin ngayon "Who you ?" ka sakin ngayon "Who you ?" ka sakin ngayon... Isang araw ay muli kitang nakita Sadyang maliit nga ang mundo Sa dami ba naman ng mga tao sa daan Eh ba't kasi ikaw pa yung nakasalubong ko Ayoko sanang talikuran ka tulad ng kahapong nalimutan Na lalapit ka na sana sa'kin, magpapakilala Nung ako'y biglang napalibutan na Ng fans at mga chiks May parating pa, nagpapa-pic, nagpapa-pirma Akbay, halik na may apir pa Oo parang magic lang yung karir nya Kalat na ang pangalan, boses, at mukha nya May presyo na kung magkano, easy! Sa mga PC, sa radyo't TV, naka-iPhone o China phone na CP... Aydul pa-silfieee! At ng lumapit ka, "Musta na?" Yan ang sabi mo sa akin Naalala mo pa ba yung minsan mong minahal Ngunit panahon 'nun satin alanganin Sana'y patawarin, sana pwede pa rin namang ibalik Promise di na sasayangin Lodi ka ng tropa, hanap ka ni Mama Pengeng number mo, dalaw ka sa amin Kaso lang paalis na nung ikaw ay aking biglang lingunin Binaba ang salamin at sayo'y tumingin Sorry kung minsan ako'y makakalimutin Teka lang ha napipinta ko na Kaso ang lahat ay tila nag-iba na Ah ikaw ba 'yan? 'Alam mo pamilyar ka sakin Pero sorry kasi parang di kita kilala... makikiraan. Naaalala mo ba yung dating nilait-lait mo Pagitan natin ay langit at lupa at ang panget-panget ko Pero ngayon diba? Naghahabol ka na... kay bilis ngang magbago ng panahon Kasi ngayon diba? Aydul-aydul mo na... Pero sorry na lang "Who You ?" ka sakin ngayon "Who you ?" ka sakin ngayon "Who you ?" ka sakin ngayon...