Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan Ng gera at digmaan na to'y magkabilaan Ko na palaging tangan sa kaliwa't sa kanan Mga pinanghawakan ko na di mabitawan Nagpatuloy sa pagsulat paglikha't pagawa nya Ng melodiya't ritmo ng rima't mga bara Sumikat makilala tinig maisa-plaka Kahit na para bang hindi ganun katingkad ang pag asa Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos Lumaking wasak ang pamilya di pa nakapagtapos Kulang sa kaalaman sa salapi din ay kapos Anumang meron at wala'y akin ng pinagpasa-Diyos Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam Dumiretso lumiko, mapraning o tumino, magtagumpay o mabigo langit lang ang may alam Kahit marami mang putik saking talampakan Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay At maiuwi ko samin ang tagumpay Samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip Naging sang batang palaboy na kung san-san tumitira Sa ilalim ng tulay sa delpan, pedicab o jeep Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang humihinga Sa mura ko na gulang natuto magka-gulang Nagkapangil, nagkasungay buntot na lang ang kulang Sa mundo na madupang walang kapatawaran Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang Nang biglang suminde bumbilya nyang punde May boses na bumulong ang sabi di pa yan huli Ika'y di lang kabute Kundi lotus na halamang kayang mamukadkad kahit sa tubig na marume Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa Tila nagsikap pa din na wag mahambing sa kanila Kahit samin ay mahirap ang maging kakaiba Dahil kahit marami mang putik saking talampakan Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay At maiuwi ko samin ang tagumpay Samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay Mauwi ko samin ang tagumpay (Handang mamatay at pumatay para magtagumpay Pusong do-do-do or die Handang mamatay at pumatay para magtagumpay Pusong do-do-do or die Handang mamatay at pumatay para magtagumpay Pusong do-do-do or die) Ako'y parang estudyanteng hara-haragan Nangarap mag-sumakumlaude sa kalakaran Ng mga turo at diskarte para-paraan Karanasan ang guro't kalye ang paaralan Sinumpa't pinangako kahit na malabo Yung nandun sa malayo'y mararating ko din Liwanag ma'y maglaho at araw ay magtago Mas kikinang pa lalo na parang bituin Kahit gano man kadilim ang buhay Na para kang unti-unting nalilibing sa hukay Magniningning sa kulay Pagkatapos makabangon ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay Taya'y pati pato kahit anuman Ang pwede't posibleng maging hantungan Naisangag ko na ang kaning bahaw bago pa mapanis saking baunan Mga nag-abono nung ako ay taglugi Kasama ko pag nagbunyi pasasalamat ang sukli Nung ako'y di pa tuli wala pang ngipin at bungi Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi Nag-lakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti O kahit san makarating pag nagtagpo tayong muli Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh) Ahaah... Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh) Ahaah... Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)