Utak ko'y may pilay tawag sakin ay bali Isang baso tinta mo ganun ba sakin ay balde Ay mali isang tangke na dumadayo pa sa gyera Bigatin ang bagsak kahit ang kambyo pang primera Ako'y karayom beat ang tela letra ko mga sinulid Binuo mga pinunit dinugtong mga ginuhit Na mga salitang tatatak limutin man ito Di kinaya ng papel kaya inukit sa bato Na binuga di mo alam ano pang kaya kong gawin Ako ang may saltik sa ulong di mo kayang gamutin Kahit na magtawag pa ng limang espesyalista Makakatikim ka ng balibag de batista Sasamain ka wag na tangkain na Iyong banggain ang bihasa na sa tinta Wag ka nang sumulat mag-iba ka ng linya Menor pa lang iwan ka na agwat ilang milya Higpitan ang paghawak sa mic ng kanang kamay bago bilisan Nang maipakita sa gustong sumabay ang taglay ko na kalupitan Sa mga salitang pinalitan ng higit sa walong pangungusap Ikinagulat ng mga hinayupak ang bara ko na mala-Tupac Sa gigil ay di ko mapigil tapakan ng madiin ang silinyador Aabutan mo pa kaya kung ang ikot ng gulong ay para bang bentilador Dahilan para maglikha Ng hanging buhawing magtataboy sa kung sinumang humarang sa gitna Ang krimen na inabot ng buhay naging kritikal karumal-dumal Na parang tinakot ng mga tunay na kriminal umaatungal Sa galit dahil di magaya siguro mahirap lang kabisahin Magpaturo ka ng maaga kaso gabi na amoy araw ka pa rin Sa kakaiba ko na tunog sira ang entablado ay durog Sa mala-Manny Pac kung sumuntok siguradong kalaban ay durog Giba ang luma't istilong bulok ay resulta ng pagkabigo Nabasag labas ang bungo pare kahit segunda pa lang ang takbo Sumakay ka sakin para malaman mo na kung saan nga ba talaga ito papunta Makina ko na gigil di ko na pinababatid nang di na lumiligoy Mga kalooban namin na isina-musika madulas at malutong na pinadaloy Sa pamamagitan ng dila na walang habag na pinapalagapak sa ngala-ngala Tunog na ganto ay hindi mo makukuha yun ay kung tanga-tanga ka Kaya wag ng sumabat at manahimik ka na lang kung ang nalalaman mo ay kakarampot Mga sulat ay malalim pero di mo mapaliwanag kung saan-saan pinagdadadampot Napakadami ng mga tiniis ko para lang maging kakaibing lirisismo Hanggang sa di ko na namalayan na ang layo na ng binilis ko Sa mga pagkakataon na ganito ay wala namang diperensya sa matulin na bibig Kung ikaw ay desidido talaga na umunuwa ay marapat din na ikaw ay matuling makinig Magkakatabi lahat ng mga pangungusap nakalutang sa lakas na di makontrol Pina haging paatake pasugod ng aking dila na may tabas na hindi natututunang pumurol Saking pagkatao'y nanaig ang pagnanasa na ako ay manatiling ganito Patuloy na mananagasa sa matuling pagragasa kung saan ay ako'y nakasalo bilang ika-Pito Naging isa sa pinaka malulupit bilang sumpa ng Shockra Lahat naiwan ng dilat yan ang panganib ng tirsera