Balang araw darating Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay Kung saan lahat mapapraning Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay Oo magmula nung una, bira'y laging sagad (Laging sagad) Dami man ng duda ay pinanis ang lahat (Panis lahat) Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat Na balang araw darating Balang araw darating Balang araw darating Darating! Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay 'Di mauubusan ng rason at dahilan bakit ba Anumang papelan sa ilan, iba ang kulay ng kanyang tinta Bumakat, tumagos, nagdikta Pamamagitan ng mga awit nya Wag ka lang sumuko, dahil sinusubok tayo lalo pag malapit na Oo, ramdam ko na araw kong pinakahihintay Kung saan mga peke't tunay sa 'kin tila mabibistay Sa aking pag-iingay Pagtayo sa gitna ng mga kontra nung una At mga duda sa gilid naman Ang tahimik na hihimlay 'Yung mga ayaw maniwala Sa apoy ko'y ginawang panggatong na uling Minaliit ang habang bitbit Ang kasabihan: "Walang malaking nakakapuwing" Mata sa mata, kapag diniretsyo mo naman ng tingin ay mga naduduling Ugali n'yong madusing Ang patunay na anumang karangalan sa 'kin ay kahihiyan n'yong matuturing Pangarap nga ba o tadhana? Resulta o nakatakda na? Sadya na talo, inip, dapat handa ka Kabiguan ma'y nagbanta, tagumpay ay nangakong... Balang araw darating Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay Kung saan lahat mapapraning Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay Oo magmula nung una, bira'y laging sagad (Laging sagad) Dami man ng duda ay pinanis ang lahat (Panis lahat) Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat Na balang araw darating Balang araw darating Balang araw darating Darating! Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay 'Di mauubusan, na para bang walang limitasyon Gasolinang karga ng Panginoon at ng mga inspirasyon Tibay, tapang, at dedikasyon lang ang baon saan mang destinasyon Tadyak sa pinto papasok, kung di kaya—katok kahit na walang imbitasyon Ano ramdam mo, 'b? Tila ibang level at antas Nginig ng mga kalamnan ko ngayong gigil na makaalpas Mga hirap kong danas, magbigyan ng hustisya Sa kwento, pagbwelo na parang tren—walang preno O bueno, 'di mapapaatras 'Yung mga sa 'kin naniwala Sa mga inihain ko na panukala Mula nung ako'y pinangarap lumipad Hanggang sa amat ay bumaba Tumaya, rumespeto at humanga—'ge, ako bahala, walang halong daya Asintado nako, matik ang timano Sapol sa 'kin areglado, balang araw 'pag tumama Pangarap nga ba o tadhana? Resulta o nakatakda na? Sadya na talo, inip, dapat handa ka Kabiguan ma'y nagbanta, tagumpay ay nangakong... Balang araw darating Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay Kung saan lahat mapapraning Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay Oo magmula nung una, bira'y laging sagad (Laging sagad) Dami man ng duda ay pinanis ang lahat (Panis lahat) Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat Na balang araw darating Balang araw darating Balang araw darating Darating! Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay