Naaalala mo pa ba Ang mundo na may sigla't ganda? Unti-unti na ngang nawawala Baka naman sakaling pwede pa Na sabay-sabay na tayong Tumayo't magkapit-bisig Lahat bumangon at alagaan ang ating paligid Wala nang panahon kaya kumilos na ngayon Dahil ang bukas ay hindi garantisado Kailan pa ba tayo tunay na magbabago? Hindi na ba natin marinig, umiiyak ang daigdig Na may munting hiling bago maglaho Matuto daw tayo na ibigin ang mundo Hindi ko maintindihan Kung paano natin sya napabayaan At di ko kayang tanggapin Kung tuluyan siyang mawawala sa atin Sana sabay-sabay na tayong Tumayo't magkapit-bisig Lahat bumangon at alagaan ang ating paligid Wala nang panahon kaya kumilos na ngayon Dahil ang bukas ay hindi garantisado Kailan pa ba tayo tunay na magbabago? Hindi na ba natin marinig, umiiyak ang daigdig Na may munting hiling bago maglaho Matuto daw tayo na ibigin ang mundo Dahil ang bukas ay hindi garantisado Kailan pa ba tayo tunay na magbabago? Hindi na ba natin marinig, umiiyak ang daigdig Na may munting hiling bago maglaho Matuto daw tayo na ibigin, na ibigin ang mundo