Narito ako sa isang lugar Na hindi 'ko maintindihan Nakikipagsapalaran sa buhay Na ang hantungan ay kawalan De numero ang galaw ng tao Bawat gawin ay may presyo Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan Daing ng tao'y 'di pinapansin Nililipad ng hangin Pagkain sa araw-araw hindi malaman Pa'no pagkakasyahin Lalong yumayaman kapag mayaman Lalong naghihirap kapag mahirap Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan Walang ginagawa Ang mga walang awa Walang nagagawa Kahit pa ngumawa, magmakaawa Bumaha ng mga luha... (luha) haaa! Bumaha ng mga luha... (luha) haaa! Narito ako sa isang lugar Ng mga taong tumatakas Naghahanap ng swerte sa iba Dahil dito'y wala ng bukas Kakarampot na sasahurin Sa sobrang mahal ng mga bilihin Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan Walang ginagawa Ang mga walang awa Walang nagagawa Kahit pa ngumawa, magmakaawa Bumaha ng mga luha... (luha) haaa! Bumaha ng mga luha... (luha) haaa! Narito ako sa isang lugar Na hindi 'ko maintindihan Nakikipagsapalaran sa buhay Na ang hantungan ay kawalan De numero ang galaw ng tao Bawat gawin ay may presyo Oh, narito ako, oh narito Oh, narito ako bakit ganito Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan