Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin Magiging pasyalan naman ang kalawakan At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin Natatawa ako pagkat ako ay masaya Bagong-bago kasi ang patawa sa eksena Paki-sampal naman ako sa magkabilaan Para malaman ko na 'di ako nahihibang Nais ko lang tumakas sa katotohanan Sa mundong puno ng katanunga't palaisipan At dadalhin kita roon kahit ika'y wala Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha Puwede ka bang tumulong? At ako'y nawawala Ba't di ko na nasasakyan ang buhay sa lupa Lahat na lang ng bagay nagbabago ang kulay Putol na ang tulay walang silbing paglalakbay Anong hiwaga mo't parang kay tagal-tagal mo na Minsan lang nakita ngunit mahal agad kita Akalain mong sa pantasya ko'y magkasama tayo Sa ayaw mo't gusto doo'y minamahal mo ko Nais ko lang tumakas sa katotohanan Sa mundong puno ng katanunga't palaisipan At dadalhin kita roon kahit ika'y wala Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha Nais ko lang tumakas sa katotohanan Sa mundong puno ng katanunga't palaisipan At dadalhin kita roon kahit ika'y wala Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha Sa daigdig kong nilikha Sa daigdig kong nilikha Sa daigdig kong nilikha Sa daigdig kong nilikha Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin Magiging pasyalan naman ang kalawakan At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin