Malalawak na paligid oh kay gandang masdan Malalayang ibon nagliliparan Sariwang hangin yumayakap sa'kin Malinis na batis ako ay lunurin Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran Meron pa pala tayong di napapansin At meron pa pala tayong sisirain Sa iba't ibang mga lugar na aking napuntahan Paghanga ay naramdaman sa aking nasaksihan Bundok at kagubatan noon ay isang larawan Ngayon lang natagpuan ang tunay n'yang kagandahan Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran Meron pa pala tayong di nararating At meron pa pala tayong sisirain Oh aking Bathala na siyang lumikha Ng lahat dito sa lupa ako ay namangha Hindi man makabago sa gawa ng tao Na kalikasa'y isakripisyo, pag-unlad ba ito? Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran Meron pa pala tayong di nararating At meron pa pala tayong sisirain Siksikan sa paligid kay pangit pagmasdan Mga pagod na ibon walang madapuan Mabahong hangin sumasakal sa akin Napakaruming tubig tanawin sa amin Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran Meron pa pala tayong di nararating At meron pa pala tayong sisirain Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran Meron pa pala tayong di nararating At meron pa pala tayong sisirain Sisirain Sisirain Sisirain Sisirain