Dumilat ka at pagmasdan mo Inang bayan ay nagsusumamo Ang dating kaliwanagan Bakit ngayon ay kadiliman Huwag tumunganga Sa ating bayag sumasama Sa karantaduhang ikaw ang may gawa Puro patayan walang katapusan Hindi ba naturuan ng pagmamahalan Sagana sa yaman ugat ng lahat Silang matataas ang may likha ng lamat Mga hinanakit hindi na ba matatapos Di ba matitinag wala bang pag-galang sa diyos Tayo na sa paraiso at wag na natin muling balikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin Kasakiman kapangyarihan Ikaw ba'y Diyos ng sanlibutan Pera na sa atin ay bumubuhay Dito ay maraming nagbuwis ng buhay Sobrag talino marami raw siyang naimbento Ngunit lagim lamang ang s'yang naging epekto Kaplastikan sa kapwa tao Ginagamit ang pangalang kristo Kaligtasan ang usap-usapan Ngunit ang isipan ay kalaswaan Dala ay bibliya buong akala mo'y santo Sa likod ng maskara ay isa palang diyablo Tayo na sa paraiso at wag na natin muling balikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin