A bente kuwatro ng Disyembre alas nuwebe ng gabi Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa Tatapat sa bahay-bahay mangungulit mag-iingay Iipunin ang bigay para mamaya may tagay Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awiting ang simoy ng hangin Oh karoling simbolo ng pagkainipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Habulan na nga sa tono hahabulin pa ng aso ‘Pag chick ang nasa bintana harana ang sadya Ok lang kahit patawad o inumin na lapad Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awiting ang simoy ng hangin Oh karoling simbolo ng pagkainipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Ang aming pagbati sana ay manatili Ang kaligayahan n’yo kahit hindi pasko May kj at nagmumura masakit lang daw sa tenga ‘Di yata nila alam araw ‘to ng pagbibigayan Pagmamahalan kahit ngiti man lang sa amin ay galak Meron pang palakpak Oh karoling ang saya-saya namin Sa bawat awiting ang simoy ng hangin Oh karoling simbolo ng pagkainipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Oh karoling ang saya-saya namin Sa bawat awiting ang simoy ng hangin Oh karoling simbolo ng pagkainipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Paskong darating Paskong darating