Nagbabalik-tanaw sa kahapon Mga kulay ng panahon Sa lahat ng tapak 'Di ko inakalang sa iyo ang hantong Dahan-dahang pag-usbong Unti-unti ang buwelo Sumunod sa pag-agos Tatawid Susulong Sabay sa paglayag Sasama 'ko sa'n mang dako Ilihis man ng bagyo Ikaw ang sagwan na Gabay sa 'king pupuntahan At sa 'yo lang lagi tatangan Tagpi-tagpi man no'n Ay binuo mong bawat piraso Sinubok man ng panahon Ako ay nakasilong na Sa ngayon Bawat tala'y sang-ayon Unti-unti ang buwelo Sumunod sa pag-agos Tatawid at susulong Sabay sa paglayag Sasama 'ko sa'n mang dako Ilihis man ng bagyo Ikaw ang sagwan na Gabay sa 'king pupuntahan At sa 'yo lang lagi tatangan Bumulong man o sigaw Makulimlim o malinaw Nilulukob man ng pangamba 'Di na maliligaw Hawak mo, 'di bibitaw Sabay sa paglayag Sasama 'ko sa'n mang dako Ilihis man ng bagyo Ikaw ang parola May ilaw na ang bukas At mananatiling kanlungan Sa 'yo lang lagi tatangan