Bawat araw ay may digmaan
Di mo man lang nakikita ang kalaban

Balot na balot sa panablang saplot
Halos walang pahinga

At kagipita'y hindi nila iniinda

Di man lang makapiling ang pamilya

Ang maglingkod ang kanilang isinumpa

Kahit buhay pa nila ang nakataya

Kailangan na sila ay tulungan

Hindi natin sila dapat kalimutan

Sino pa ba kundi tayo-tayo rin
Ang kikilos para sa bayan natin

Saludo, saludo
Sa inyong kabayanihan

Salamat, salamat
Sa inyong pagmamalasakit

Mahal namin kayo, ng taos puso

Bayaning tunay kayo

Saludo, saludo
Sa inyong kabayanihan

Salamat, salamat
Sa inyong pagmamalasakit

Mahal namin kayo, ng taos puso
Bayaning Tunay kayo

Kayrami ng mga nasawi
Sa puso natin sila'y Mananatili

Hindi sa ganito matatapos ito

Magsama-sama na tayo

Saludo, saludo
Sa inyong kabayanihan

Salamat, salamat
Sa inyong pagmamalasakit

Mahal namin kayo, ng taos puso
Bayaning tunay kayo

Saludo, saludo
Sa inyong kabayanihan
Salamat, salamat
Sa inyong pagmamalasakit
Mahal namin kayo, ng taos puso
Bayaning tunay kayo
Bayaning tunay kayo