Digmaan ay hindi natin gusto
Lalo na't pilipino laban sa Pilipino
Nais natin ay katahimikan
Hangad natin ay kapayapaan

Katuwang ang pamahalaan
Laban sa terorista at banta sa bayan
Ano mang gulo ay hindi hahayaan
Pagkakaisa at pag unlad ay makakamtan

Hindi namin hahayaang maghasik g kaguluhan
Mga kalabang gusto ay karahasan oh
Pag-asa at katiwasayan sa Lupang Sinilangan
Hindi bibitawan ng Sundalo ng Kapayapaan

Bandila ng Pilipinas ay ating iwawagayway
Sama sama tayong magpupugay
Magandang mithiin sa bansang minamahal
Ikaw at sundalo para sa kapayapaan

Hindi namin hahayaang maghasik ng kaguluhan
Mga kalabang gusto ay karahasan
Pag-asa at katiwasayan sa Lupang Sinilangan
Hindi bibitawan ng Sundalo ng Kapayapaan
Hindi bibitawan ng Sundalo ng Kapayapaan