Nagbibilang ng sandali
Damdami'y di mapakali
Nag-aabang sa himala
Ikaw na lamang ang kulang
Pinapangarap ko'y punan
Sa langit nakatingala

At sabay sinasambit ang 'yong pangalan
Magbalik nawa ang ating kailan man

Panalangin kita
Ngayong paskong nangungulila
Sana ay dinggin ang panalangin, sinta ngayong pasko'y muling makita
Sana pagbigyan itong hinihiling
Dalhin sa piling mo
Ikaw ang panalangin kong pasko
Ingatan ka nawang lagi
Patungo sa aking tabi
Pag-ibig ang magdadala
Ikaw na lamang ang kulang
Pinapangarap ko'y punan
Sa langit nakatingala

At sabay sinasambit ang 'yong pangalan
Magbalik nawa ang ating kailan man

Panalangin kita
Ngayong paskong nangungulila
Sana ay dinggin ang panalangin, sinta ngayong pasko'y muling makita
Sana pagbigyan itong hinihiling
Dalhin sa piling mo...

Panalangin kita
Ngayong paskong nangungulila
Sana ay dinggin ang panalangin, sinta ngayong pasko'y muling makita
Sana pagbigyan itong hinihiling
Dalhin sa piling mo
Ikaw ang panalangin kong pasko