Matapang, magiting, dakila ang adhikain
Hindi makasarili, huwaran, natatangi
Mandirigmang may puso at tapat
Makabagong bayaning tinitingala

Iniiwan ang pamilya sa ngalan ng tungkulin
Tinitiis ang pagod, hirap at gutom
Dalangin kay Bathala ay laging gabayan
Bigyan ng lakas upang harapin ang bukas

Whoooo akoy sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil akoy nagbabantay

Sa gitna ng pandemya o anumang sakuna
Giyera, lindol, bagyo o bumaha
Laging nakahandang tumulong sa kapwa
Lalaban, susulong, kahit anong hamon

Iniiwan ang pamilya sa ngalan ng tungkulin
Tinitiis ang pagod, hirap at gutom
Dalangin kay Bathala ay laging gabayan
Bigyan ng lakas sa pakikipaglaban

Whoooo akoy sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil akoy nagbabantay

Whoooo akoy sundalong
Nagdarasal at naghahangad ng kapayapaan
Whoooo makakatulog ka
Ng tahimik at mahimbing dahil akoy nagbabantay