Habang ako'y naglalakbay May nasilayan akong isang dalagang nag-aantay Nag-aabang ng sasakyang kanyang paparahin Walang kasama kaya naisip kong kausapin Hinintay ko lang na mapatingin sya sakin Bahagyang nalimutan kong ako ay mahiyain Biglaang nagkapuno at nagbunga ng mangga Nung napansin ko ang ganda ng mapungay nyang mata Sa bagal ko ako ay naunahan ng kaba Nangamba na baka may nagmamay-ari ng iba Kaya naman ako ay naglakas loob Ginising ang puso kong tulog kahit ito'y durog Nasunog nako dati, susubukan kong muli Bakasakaling makasama ko sya saking pag-uwi Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Pagkatapos kong pataasin Ang mga bakod ay Pwede nang tibagin Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Buksan na ang mga bintanang selyado At ang pintuang nakakadena at kandado Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Nakausap ko sya Undas Pagkatapos kong madukutan sa bus Imbis magalit, ngiti ko'y abot anit Mula impyerno bumulusok parang rocket pataas patungong langit Isang panaginip na nagkatotoo Sumuntok ako sa buwan at tumama sa noo Puso ko'y biglang tibok kahit bugbog ito't sugat Na nagturo sa aking kamay muling magsulat Mga patay na ugat muling nabuhay Ang mga kahong puti't itim ay nagkakulay Mga nakayukong gulay muling nagbigay-pugay Ulo ko'y nagkasingsing kahit may sungay Agawin man sakin ni Adolfo ang trono ng Albanya Iwanang nakagapos sa may puno ng Acacia Umaasa sa tinig ng ibong adarna Mabuhay sa pantasya kasama si Laura Kapalarang sumasakto sa bagsakan ng tambol Pag kasama sya tumatamis ang asim ng santol Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Hinahanap-hanap ko sya Parang araw na hinahanap-hanap ang mga guma-melang Parang labi nyang mapupula Kung pagtingin ko sa kanya'y ulan, umaambon na Nagkaututang-dila tungkol sa buhay-buhay Naging peke ang paligid at sya lang ang naging tunay Sa lalim, kung sisisirin di mo kakayanin Pasulyap akong nagbayad, ngiti ang sukli nya sakin Rinig ko ang awitan mula sa kalangitan Kasabay ng pagsayaw ng alon sa dalampasigan Nagdiwang, nagpaulan ng pana Parang ligaw na bala nang sa puso ko tumama Sampayan ng bituin ang langit, ang nasungkit ko ay tala Nung sya'y ginawa marahil nagpakitang gilas si Bathala Bulag daw ang pag-ibig di ako naniniwala Kung bulag, bat ako nakakakita ng diwata Di ko maiwasang manlagkit ang mga titig Sa mukha nyang may ika-limang titik ng patinig Parang ika-labing apat ng Pebrero Sa unang araw ng buwan kung sa'n merong mataong sementeryo Pagkatapos kong pataasin Ang mga bakod ay Pwede nang tibagin Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Buksan na ang mga bintanang selyado At ang pintuang nakakadena at kandado Ako'y handa nang muling Lumipad, sumadsad, magmahal, masaktan Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi nakakatakot ang umibig muli Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi na... Kakatakot ang umibig Hindi nakakatakot ang umibig muli