Paalam, kaibigan ko
Wag kang magdaramdam
Hindi ito huling yugto
Ng ating samahan

Lilipad sa mga ulap
Ang araw at gabi
Sa tamang panahon
Landas nati'y magtatagpong muli

Paalam, kaibigan ko
Lagi kong dadalhin
Ang alaala ng mundo
Na nilikha natin

Saan ka man magtungo sanay
Mahanap ang daan
Tungo sa tunay na pag ibig
At kapayapaan

Lahat ng mga pagkukulang
Sana'y patawarin
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggang kitang mamahalin

Paalam
Paalam
Paalam