Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin

Oh, kay bilis namang maglaho ng
Pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, oh, ba't
Bigla namang nawala?
Daig mo pa ang isang kisapmata, ah-ah

Kani-kanina lang, pagkaganda-ganda
Nang pagkasabi mong sana'y tayo na nga
Kani-kanina lang, pagkasaya-saya
Ng buhay kong bigla na lamang nag-iba

Oh, kay bilis namang maglaho ng
Pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, oh, ba't
Bigla namang nawala?
Daig mo pa ang isang kisapmata, ah-ah

Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing
Kani-kanina lang, pagkaganda ganda
Kani-kanina lang, pagkasaya-saya

Oh, kay bilis namang maglaho ng
Pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, oh, ba't
Bigla namang nawala?
Daig mo pa ang isang kisapmata, ah-ah

Ah-ah-ah, ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah, ah-ah-ah