Mahirap daw sumalungat sa agos
Madilim ang landas at palagi kang mag-iisa
Kay dali raw sumabay sa alon
Kung marunong kang makipaglaro sa panahon

At kahit hanggang ngayon
Ay nais kong maging iba
Ang sumisiksik sa isip ko'y
Ang palaging naririnig
Sumunod ka na lang sa agos

Mahirap daw maging isang mang-aawit
Kung sa 'yo'y walang nanonood at nakikinig
Ngunit aanhin pa ang paghanga
Kung alam kong hindi naman ako ang nasusunod

Subalit hanggang ngayon
Ay nais kong maging iba
Ang sumisiksik sa isip ko'y
Ang palaging naririnig
Sumunod ka na lang sa agos
At kahit hanggang ngayon
Ay nais kong maging iba
Ang sumisiksik sa isip ko'y
Ang palaging naririnig
Sumunod ka na lang sa agos