Puro siya selos, puro siya duda
Ngunit mahal ko siya
At nakakatuwa siya kung minsan
Ang akala'y pinapalitan

Nobya kong selosa, 'wag mangangamba
'Pagkat hindi mo lang alam
Na ikaw lamang ikaw ang minamahal
At 'wag mo namang isiping pinapalitan kita

'Wag mong isiping kita'y binobola
Tunay na mahal kita
'Wag mong isiping kita'y lilimutin
Ikaw ang lahat sa 'kin

Nobya kong selosa, 'wag mangangamba
'Pagkat hindi mo lang alam
Na ikaw lamang ikaw ang minamahal
At 'wag mo namang isiping pinapalitan kita

Sana naman, ako ay maintindihan na sa haba ng panahon
Ang iyong tiwala'y wala pa ba hanggang ngayon
La-la, la-la-la-la-la-la, la-la-la-la-la
La-la, la-la-la-la-la-la, la-la-la-la-la, ah