Salamat Mike, salamat Sampaguita
Salamat Apo, Hotdog, at Cinderella
Kay Rico't Hajji namin noon, kayo'ng nag-umpisa

Salamat Freddie, salamat din Coritha
Kay Florante, Penpen, Asin, at sa Banyuhay
Kay Paul Toledo at Singsing, sa awit niyong naiiba

Salamat '70s, salamat '70s
Para bang naiwanan ang puso ko sa 'yo
Salamat '70s nami-miss din kita
At higit sa lahat, salamat sa pamana

Salamat Boyfriends, sa Wadab, VST, Hagibis
Sa kay igsing panahon ang awit ay sumigla
At nais kong malaman niyong noon ay kay saya

Salamat Imelda, kay Geraldine, at Eva
Pati na rin si Dulce at si Claire
Na kahit anong sabihin, kayo'ng mahal nila, ah

Salamat '70s salamat '70s
Para bang naiwanan ang puso ko sa 'yo
Salamat '70s, nami-miss din kita
At higit sa lahat, salamat sa pamana

Salamat Sharon, kay Basil, Kuh, at Nonoy
Kay Anthony, Leah, Janet, at kay Celeste
Pambato namin kayo, pinagmamalaki hanggang ngayon

Salamat '70s, salamat '70s
Para bang naiwanan ang puso ko sa 'yo
Salamat '70s, nami-miss din kita
At higit sa lahat, salamat sa pamana