Saan ba ako pupunta?
Ngayong pag-ibig natin ay wala na
'Di na maibabalik ang ating nakalipas
Kailangang harapin ko na lang ang aking bukas

Saan ba ako pupunta?
Ngayong tahanan nati'y nilisan mo na
At ano ba ang sadyang mahalaga
Kaligayahan ko ba o ang sasabihin nila?

Ako ay lilisan
Kung kailan babalik, 'di ko alam
At kung anuman ang kahihinatnan
Sana ay matagpuan ko ang aking katahimikan

Oh, oh

Ako ay lilisan
Kung kailan babalik, 'di ko alam
At kung anuman ang kahihinatnan
Sana ay matagpuan ko ang aking katahimikan
Ang aking katahimikan