Ako'y dalaw nang dalaw araw-araw
Hindi mo ba alam itong puso kong laging sumisigaw
Ganyan katindi ang pag-ibig ko sa 'yo, oh
'Di mapapantayan ng kahit sino, oh-oh-oh

Lakad nang nilakad at nag-iisip ay lumilipad
Ikaw ang napapangarap at ang lagi kong hanap-hanap
Hindi mapakali kung wala ka sa 'king tabi
Dadalaw ulit upang makapiling kang muli

May pag-asa ba o wala?
Sabihin mo na, 'wag nang mahiya
Nabibitin na ako, sinta
Sagot mo ba ay oo na, oo na?

Hindi mapakali kung wala ka sa 'king tabi
Dadalaw ulit upang makapiling kang muli

May pag-asa ba o wala?
Sabihin mo na, 'wag nang mahiya
Nabibitin na ako, sinta
Sagot mo ba ay oo na, oo na?
May pag-asa ba o wala?
Sabihin mo na, 'wag nang mahiya
Nabibitin na ako, sinta
Sagot mo ba ay oo na, oo na?
May pag-asa ba o wala? (Ooh, ooh)
Sabihin mo na, 'wag nang mahiya
Nabibitin na ako, sinta (Ah, ah)
Sagot mo ba ay oo na, oo na?