Minsa'y sinubukan para bang katuwaan lang ang magpahula
Hawak pa niya'y baraha, ako nama'y nagdududa, naiinip na
Subalit nang sabihin niyang ako'y mahal mo rin
Agad ako'y nagising at nag-isip din

Lumakas bigla ang kaba ng puso ko, manghuhula
Tunay nga kayang siya ay mayroong pagtingin sa akin
Baka naman ako'y pinasasakay mo lang
Subalit 'pagpatuloy mo, nakikinig din ako

Manghuhula, manghuhula
Sa palad ko'y anong nakikita
Totoo bang ako'y minamahal niya
Manghuhula, baka ako'y dinadaya
Manghuhula, manghuhula
Hirap akong sa 'yo'y maniwala
Subalit kung ang pag-uusapan ay ang mahal ko
Makikinig ako sa 'yo

Subalit nang sabihin niyang ako'y mahal mo rin
Agad ako'y nagising at nag-isip din

Manghuhula, manghuhula
Sa palad ko'y anong nakikita
Totoo bang ako'y minamahal niya
Manghuhula, baka ako'y dinadaya
Manghuhula, manghuhula
Hirap akong sa 'yo'y maniwala
Subalit kung ang pag-uusapan ay ang mahal ko
Nakikinig ako sa 'yo