Ninais nating tayo'y 'wag maghiwalay
Kaya't pinilit kong limutin na kita
Mahirap man ito'y kailangan kong gawin
'Pagkat mahal kita

Ngunit ngayon, ikaw ay naritong muli
'Di ko naman magawang iwasan pa kita
'Pagkat ako'y tulad mo ring 'di tatagal
Kung tuluyan ka nang mawawala

Akala ko tayo'y 'di na muling magkikita
Bahagi ka ng kahapon kong kay ganda
At tama man o mali ang ating pag-ibig, sinta
Mayro'n pang panahon upang tayong dalawa'y
Makapagsimula pang muli

Ngunit ngayon, ikaw ay naritong muli
'Di ko naman magawang iwasan pa kita
'Pagkat ako'y tulad mo ring 'di tatagal
Kung tuluyan ka nang mawawala

Akala ko tayo'y 'di na muling magkikita
Bahagi ka ng kahapon kong kay ganda
At tama man o mali ang ating pag-ibig, sinta
Mayro'n pang panahon upang tayong dalawa'y
Makapagsimula pang muli

Tama man o mali ang ating pag-ibig, sinta
Mayro'n pang panahon upang tayong dalawa'y
Makapagsimula pang muli, oh, oh-oh