Buhay ko ngayo'y walang tanglaw
Nasa isip ko'y ikaw
Sa gabi'y naaalala ka
Lalo na't ako'y nag-iisa
Lungkot ay lalo kong nadarama

May hangganan man ang buhay ko
Ang pag-ibig ko'y sa 'yo
Oras-oras ay naghihintay
Bawat sandali ng buhay ko
Ito'y iuukol lamang sa 'yo

At kung 'di na magkita
Wala nang pag-asa, ha
Limutin man ako (Limutin man ako)
Limutin man ako, 'di ako magbabago

Oras-oras ay naghihintay
Bawat sandali ng buhay ko
Ito'y iuukol lamang sa 'yo

At kung 'di na magkita
Wala nang pag-asa, ha
Limutin man ako (Limutin man ako)
Limutin man ako, 'di ako magbabago, oh

Limutin man ako (Limutin man ako)
Limutin man ako, 'di ako magbabago