Ako ang huling maya sa 'ming gubat Mula nang lumisan ang aking mahal Bilin ko ay 'wag na siyang lumayo Umiwas sa bayan, agad bumalik Malayo na ang aking nalipad Subalit hindi rin matagpuan Ang nawawalang mahal Narating ko na ang paborito niyang sanga At ang batis na mahal sa kanya 'Di ko pansin ang pagbuhos ng ulan Makapiling lang ang mahal Ako ang huling maya sa 'ming gubat Mula nang lumisan ang aking mahal Bilin ko ay 'wag na siyang lumayo Umiwas sa bayan, agad bumalik Kung sa kanya'y may nakadakip Sana'y hayaan siyang magbalik Palayain siyang muli Narating ko na ang paborito niyang sanga At ang batis na mahal sa kanya Kung hawak siya'y huwag mo sanang sasaktan Palayain mo siyang muli Narating ko na ang paborito niyang sanga At ang batis na mahal sa kanya Kung hawak siya'y huwag mo sanang sasaktan Palayain mo siyang muli