Lumipas ang umaga, ngunit bumalik ulit
Dumaan lang ang gabi, ng ilang sandali 
Magpapatuloy sumikat ang masiglang araw 
Pagkatapos na ang buwan ay aking natanaw 

Ang masayang buhay, minsa'y tila nagwakas 
Huwag ka ng malulungkot karugtong noo'y bukas 
Sa sanga ng isang puno, may ibong nagpahinga 
Masdan mo syang muli, at lumilipad na 

Itutuloy, itutuloy dito o doon
Itutuloy ang lahat saan man naroon 
Maganda ang simula kaya't walang katapusan 
Kung hindi ka hihinto, at itutuloy mo lang 

Huwag kang mag-alala, itutuloy ang ligaya 
Huwag mong bibitiwan ang iyong pag-asa 
May nagmamasid sayo at dahil mahal ka 
Lahat ng nais mo ay itutuloy nya 

Itutuloy, itutuloy dito at doon
Itutuloy ang lahat saan man naroon 
Maganda and simula kaya walang katapusan 
Kung hindi ka hihinto, at itutuloy mo lang... 

Itutuloy, itutuloy dito at doon
Itutuloy ang lahat saan man naroon 
Maganda and simula kaya walang katapusan 
Kung hindi ka hihinto, (wag kang hihinto...)
Kung hindi ka hihinto, (kung hindi ka hihinto...)
at itutuloy mo lang...