Buksan mo ang pinto
Tanggalin ang maskara
Ngayon kita na ba, kita na ba
Nahuli mo na rin sa wakas
Ang ibig sabihin ng mga tingin ko
Ohhh

Huwag mong sabihin 'di mo pansin
Ayoko ng taong sinugaling
Sa bagay ako din naman ang may kasalanan
Ako rin palihim-lihim

Sa'yo ako'y parang baliw
Pag-ibig na 'to'y sakdal lihim
Palihim-lihim
Umiikot, tumatalon
Parang sirang plaka
'Di mapatugtog
Na paulit-ulit
'Di mapipigilan ang lihim
Ooh ooh ooh ooh ooh

Pilit akong tinago, patingin-tingin din
Masayang pinagmamasdan ka dito sa dilim
Lahat ng nililibing, uungkat din
Kahit umula't humangin ooh woah

'Di ko na kayang pigilan pa
Ang aking damdamin sabihin ko na
Pag-ibig ko'y hayop na nakakulong sa hawla
Ooh woah

Sa'yo ako'y parang baliw
Pag-ibig na to'y sakdal lihim
Palihim-lihim
Umiikot, tumatalon
Parang sirang plaka
'Di mapatugtog
Na paulit-ulit
'Di mapipigilan ang lihim

Didiskarte na lang ako ooh ooh
Kahit alam kong talo

Umiikot, tumatalon
Parang sirang plakang
'Di mapatugtog
Na paulit-ulit
'Di mapipigilan ang lihim
Sa'yo ako'y parang baliw
Pag-ibig na 'to'y sakdal lihim