Iyong mga alaala, nangingibabaw
Sa isip ko hanggang paglalim ng gabi
At tuwing sinusubukang kalimutan
Lalong tumatatak sa puso't damdamin
Ngayong wala ka na 'di na masabi
Patawad sa mga pagkakamali
Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali
Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis
Naghihintay at nagsisisi, 'di na ba mababalik?
'Di na ba mababalik?
Muling nanghihinayang sa'king pagkukulang
'Di ko pinapansin, akala'y walang mali
Sa'ting pagsasama, tila biglang nagsawa
'Di ba nagtataka bakit parehong nanlalamig?
Ngayong wala ka na 'di na masabi
Patawad sa mga pagkakamali
Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali
Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis
Naghihintay at nagsisisi, 'di na ba mababalik?
'Di na ba mababalik muli
('Di na ba mababalik? 'Di na ba mababalik?)
Mahal, ikaw pa rin sigaw ng puso ko palagi
Oh mahal, ikaw pa rin laman ng aking panalangin
Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali (mga sinayang na sandali)
Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis (pangakong 'di na aalis)
Naghihintay at nagsisisi, 'di na ba mababalik?
'Di na ba mababalik? ('di na ba mababalik?)
Ikaw pa rin ang iniibig, 'di na ba mababalik?
'Di na ba mababalik?