Nakatingin, hindi alam ang gagawin
Nauutal, ano bang dapat kong sabihin?

Nababaliw, 'di mapigilan aking pagngiti
Pagka ika'y sumasagi sa'king isip

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Mapapansin mo kaya ang aking pagtingin
O lakambini na laman ng panalangin?

Sumisigaw, 'di makatulog dahil sa kilig
Gusto ko lang naman ikaw ay makapiling

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Sige lang, 'wag nang pinapakomplikado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga! Siya talaga! Pag-ibig nga!)
Gumuho man ang mundo 'di ka mag-iisa
(Mananatili at hindi 'yon magbabago)
Habang buhay, magkasama tayong tatanda, aaah

Kaakit-akit, nauulol sa iyo (nauulol sa'yo)
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko (tanggal ang angas ko)
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo (sa'yo iaalay ang mundo)
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Ika'y kaakit-akit
Ika'y kaakit-akit