Siya na ba ang pag-ibig mo ngayon?
Siya na ba'y panghabang panahon?
Siya na ba nang tayo'y magkagalit?
Siya na ba'ng aking kapalit?

Siya ba'y bulag din sa 'yong mga kataksilan?
Kunwa'y bingi rin sa masamang usap-usapan
Naniniwala sa kasinungalingan mo
Labis din kayang mahal ka niya tulad ko?

Ngunit kung 'di siya ang may ganitong katangian
At 'di niya kaya ang ikaw ay mapagtimpian
Mahal mo nga ba o 'di mo lang mahindian
Kung nais mong magbalik, sinta
Alam mong tatanggapin kita, 'di ba?

Ngunit kung siya'y mahal mo ngang tunay
Ikaw sana'y magbagong-buhay
Kung ikaw ay tunay niya ring mahal
Nasa inyo ang aking dasal

Siya ba'y bulag din sa 'yong mga kataksilan
Kunwa'y bingi rin sa masamang usap-usapan
Naniniwala sa kasinungalingan mo
Labis din kayang mahal ka niya tulad ko, oh

Ngunit kung 'di siya ang may ganitong katangian
At 'di niya kaya ang ikaw ay mapagtimpian
Mahal mo nga ba o 'di mo lang mahindian
O, siya na nga ba o 'di mo lang mahindian

Woah, oh-oh
Siya na ba?